Pinangunahan ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, Nobyembre 9, 2022 ang pamamahagi ng 15,000 kilong bigas at 70 karton ng de-lata sa mga sinalanta ng bagyong Paeng sa lunsod San Pedro, Laguna.
Bukod diyan, ibinigay rin ng embahadang Tsino ang mga pataba, pestisidyo at binhi sa mga magsasaka sa Mangatarem, Pangasinan.
Sa katulad na hakbang, nagtungo sa mga barangay ng Aklan ang mga tauhan ng embahadang Tsino at SMNI Foundation upang mamahagi ng mga materyal sa mga apektadong mamamayan.
Sa kanyang mensahe sa social media, sinabi ni Embahador Huang na nananalig siyang sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap at kooperasyon, tiyak na mapagtatagumpayan ng Tsina at Pilipinas ang lahat ng kahirapan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio