Sa kanyang pagdalo kahapon, Nobyembre 13, 2022 sa Ika-17 East Asia Summit (EAS) sa Phnom Penh ng Kambodya, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang kapayapaan at kaunlaran ay komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t ibang rehiyon.
Kaugnay nito, iniharap ni Li ang tatlong mungkahi na kinabibilagnan ng:
Una, paggigiit ng estratehikong diyalogo at pagsasagawa ng konstruktibong pagpapalagayan.
Ikalawa, paggigiit ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at magkasamang pagharap sa mga hamon.
Ikatlo, paggigiit sa nukleong katayuan ng ASEAN at pagtatatag ng estrukturang panrehiyon na bukas sa iba’t ibang panig.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag ni Li na palagiang iginigiit ng Tsina ang pangangalaga sa katatagan, kapayapaan at malayang paglalayag sa nasabing karagatan.
Nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct on SCS.
Maliban diyan, tinalakay rin ng mga kalahok na bansa ang mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig.
Inilahad ni Li ang paninindigan at prinsipyong Tsino sa mga isyung gaya ng Korean Peninsula, Ukraine, at Myanmar.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio