Multilengguwaheng produksyon ng “Mga Salawikaing Sinipi ni Xi Jinping” at “Tsina sa Isang Makabagong Biyahe,” inilunsad

2022-11-15 12:35:59  CMG
Share with:

Kasabay ng pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Summit ng Group of 20 (G20) sa Indonesya at pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Thailand, inilunsad Lunes, Nobyembre 14, 2022 sa Beijing ang bersyong Indones at Thai ng pelikulang “Mga Salawikaing Sinipi ni Xi Jinping” at multilengguwaheng dokumentaryong “Tsina sa Isang Makabagong Biyahe.”

 


Ang mga ito ay gawa ng China Media Group (CMG).

 


Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglulunsad, inihayag ni Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng CMG, na umaasa siyang sa pamamagitan ng pagsasahimpapawid ng mga produksyong ito, mas malalimang mauunawaan ng mga mamamayang Indones at Thai ang hinggil sa Tsina, tungo sa pagpapatatag ng pangmatagalang pag-unlad ng relasyong Sino-Indones at Sino-Thai.

 


Simula Nobyembre 14, isinasahimpapawid ang “Tsina sa Isang Makabagong Biyahe” sa mga pangunahing istasyon ng telebisyon ng mga bansang kinabibilangan ng Thailand, Kambodya, India, Laos, Nigeria, Pakistan, Sri Lanka at Turkey.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio