Mga Klasikong Salawikain sa Makabagong Panahon: Pagbubukas, magdudulot ng maaliwalas na kinabukasan para sa pandaigdig na kaunlaran

2022-11-10 12:27:10  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-5 China International Import Expo (CIIE), Nobyembre 4, 2022, sa Shanghai, Tsina, nanawagan si Pangulong Xi Jinping sa iba’t ibang bansa na magkapit-bisig tungo sa pagbubukas, pagtutulungan at komong kasaganaan.

 

Sinipi ni Xi ang isang linya mula sa kilalang tulang Tsino, “Matapos magduda ang manlalakbay kung mayroon pang lagusan palabas ng walang hanggang kabundukan at ilog, biglang lumitaw ang lilim ng punong willow, makukulay na bulaklak, at kahali-halinang nayon.”


“Ipinahihiwatig aniya ng tula, na ang daan ay nakalatag sa ating paanan, at ang mas maningning na bukas ay tumatawag sa di-kalayuan.”


“Nakahandang makipagkooperasyon ang Tsina sa lahat ng bansa para tupdin ang tunay na multilateralismo; buuin ang mas maraming pagkakasundo hinggil sa pagbubukas; sama-samang labanan ang mga kahirapan at hamong kontra sa paglago ng pandaigdig na kabuhayan; at tiyaking ang mga pangako sa pagbubukas ay maghahatid ng malalawak na prospek sa kaunlaran ng mundo, ” diin ng pangulong Tsino.


Ang nasabing tula ay akda ni Lu You, batikang makata ng Dinastiyang Song na nabuhay mahigit 800 taon na ang nakakaraan. Ayon dito, ang anumang kahirapan ay maaring mapanaigan.


Sa pamamagitan ng tulang ito, ipinagdiinan ni Xi ang kahalagahan ng pagbubukas ng mundo bilang tugon sa matumal na paglago ng kabuhayan ng daigdig.

 Kasabay nito, ipinakita rin ng pangulong Tsino ang matatag na determinasyon ng Tsina tungo sa ibayo pang pagbubukas sa labas.

Hangad ng Tsina na idulot ng malawak na merkadong Tsino ang walang-humpay na pagkakataon para sa iba’t ibang bansa, saad ni Xi.

       

Masasabing ang CIIE ay pandaigdig na pampulikong produkto na mapapakinabangan ng lahat ng mga kalahok.


Sapul nang magsimula itong idaos noong 2018, taun-taong sumasali ang Pilipinas, at taun-taon ding umaakyat ang halaga ng mga nakukuhang kasunduan ng delegasyong Pilipino.


Ayon sa pinakahuling datos, lampas sa USD$607 milyon ang nakuhang kasunduang pangkalakalan ng Pilipinas sa Ika-5 CIIE.


Noong 2021 CIIE, umabot sa USD$ 597.34 milyon ang onsite export sales ng Pilipinas; tumaas ito ng 29.3% kumpara noong 2020 na nagkahalaga lamang ng USD$ 462 milyon.

Samantala, USD$389.70 milyon ang naabot sa ikalawang CIIE, at USD$124 milyon naman sa unang CIIE.

Food Philippines sa Ika-5 CIIE


Sinabi ni Pangulong Xi, na ang pagbubukas ay masusing lakas-panulak para sa progreso ng mga sibilisasyon ng sangkatauhan, at ito rin ay mahalagang landas tungo sa pandaigdig na kasaganaan at kaunlaran.


Sinasalamin ng pananalita ni Xi ang paninindigan ng panig Tsino sa  paglikha ng mga pagkakataon sa pamamagitan ng pagbukas, at pagtugon sa mga pagsubok at paglutas sa mga problema sa pamamagitan ng pagtutulungan.

 

Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Rhio 

Larawan: CFP/Sissi