An equipment manufacturing factory in Qingzhou, Shandong Province, China, November 15, 2022. /CFP
Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina (NBS), Nobyembre 15, 2022, patuloy ang paglaki ng industriya ng bansa mula Enero hanggang Oktubre ng 2022.
Anito, tumaas ng 4% ang Added Value of Industries above designated size ng Tsina kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Bumabangon na rin anito ang sektor ng serbisyo, at lumaki ng 0.1% ang Index of Service Production (ISP) ng bansa kumpara sa parehong yugto ng 2021.
Mula Enero hanggang Oktubre, matatag ding lumaki ang pamumuhunan sa mga fixed asset, lumalaki ang saklaw ng pagluluwas at pag-aangkat, at bumubuti sa kabuuan ang kalagayan ng empleyo sa buong bansa, dagdag ng NBS.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio