Nagtagpo, Nobyembre 14, 2022 sa Bali, Indonesya sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika.
Sa mahigit 3 oras na pag-uusap, malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa mga estratehikong isyu sa relasyong Sino-Amerikano at iba pang isyung panrehiyon at pandaigdig, kung saan, nagkaroon ng maraming komong palagay.
Bilang mga nangungunang ekonomiya sa daigdig, kapuwa makikinabang ang Tsina at Amerika sa kooperasyon, at kapuwa rin sila mapipinsala sa paglalaban.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyong Sino-Amerikano ang masusing tanong na, saan ito patungo?
Ang katatapos na pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa ay nagturo ng direksyon sa pag-unlad ng bilateral na relasyon sa darating na panahon.
Sa susunod na hakbang, kailangang totohanang ipatupad ng magkabilang panig ang mga komong palagay na narating ng dalawang lider.
Higit sa lahat, dapat ipatupad ng panig Amerikano ang pangako ni Pangulong Biden, at pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang pag-a-upgrade ng relasyong Sino-Amerikano, upang ipakita sa daigdig ang katapatan at pananagutan bilang isang malaking bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio