Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika Martes, Nobyembre 15, 2022 sa Bali, Indonesya, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan upang patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal sa Timog Aprika, at pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Kinakatigan aniya ng panig Tsino ang panunungkulan ng Timog Aprika bilang tagapangulong bansa ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) sa susunod na taon.
Sa tulong ng Timog Aprika, nais palakasin ng Tsina ang pagkakaisa at pakikipagtulungan sa buong Aprika, pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, at magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, seguridad sa pagkain at enerhiya.
Umaasa naman si Pangulong Ramaphosa na mapapalakas pa ang pakikipagkoordina at pakikipagtulungan sa panig Tsino sa ilalim ng mga multilateral na balangkas na gaya ng BRICS.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Bukas at pragmatiko, pinakamahalagang katangian ng relasyong Sino-Olandes – Xi Jinping
Peng Liyuan, lumahok sa aktibidad ng mga asawa ng mga lider ng G20
Xi Jinping, nagtalumpati sa G20 Summit: pagkakaisa, pagtutulungan at pagbabahaginan, iginiit
Ika-17 Summit ng G20, binuksan: kalusugan, sustenableng pag-unlad ng enerhiya, pag-uusapan