Bukas at pragmatiko, pinakamahalagang katangian ng relasyong Sino-Olandes – Xi Jinping

2022-11-16 12:06:47  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands Martes, Nobyembre 15, 2022 sa Bali, Indonesia, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagiging bukas at pragmatiko ay mga pinakamahalagang katangian ng relasyong Sino-Olandes.

 


Umaasa aniya siyang pasusulungin ng Netherlands ang paggigiit ng Europa sa pagbubukas at kooperasyon, at patitingkarin ang positibong papel para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.

 

Sinang-ayunan ng kapuwa panig na pag-ibayuhin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng agrikultura, patubig, enerhiya, inobasyon, pagbabago ng klima at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio