Inihayag Nobyembre 16, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magtatagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Bangkok, Thailand.
Ani Mao, mahalaga ang naturang pagtatagpo dahil ito ay ang unang pormal na pagtatagpo ng dalawang lider.
Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones, kaya kailangan aniyang sundin ng dalawang panig ang agos ng panahon; igiit ang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan at pagkakaibigan; palalimin ang win-win na kooperasyon at maayos na hawakan ang mga hidwaan, upang magkasamang itatag ang relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng bagong panahon.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio Zablan