APEC CEO Summit, binuksan sa Bangkok

2022-11-17 16:15:29  CMG
Share with:


Sa ilalim ng temang “Embrace, Engage, Enable,” binuksan ngayong araw, Nobyembre 17, 2022 sa Bangkok, Thailand ang Asia-Pacific Economic Cooperation-Chief Executive Officer (APEC-CEO) Summit.

 

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinagdiinan ni Punong Minsitro Prayut Chan-o-cha ng Thailand ang kahalagahan ng kooperasyon.

 

Ipinagkakaloob ng summit ang pagkakataon para sa diyalogo sa pagitan ng mga CEO, namumunong business executive, at mga lider ng APEC hinggil sa mga pinakapangkagipitang isyu ngayon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio