Komersyal na rocket “CERES-1 Y4” ng Tsina, matagumpay na inilunsad

2022-11-17 16:02:58  CMG
Share with:

Jiuquan Satellite Launch Center, hilagang kanluran ng Tsina - Dala ang 5 maliit na sun-synchronous orbit (SSO) satellite, matagumpay na inilunsad Miyerkules, Nobyembre 16, 2022 ng Tsina ang commercial rocket CERES-1 Y4.

 


Ang mga satellite ay bahagi ng Jilin-1 Gaofen satellite series, at ipagkakaloob ng mga ito, pangunahin na, ang commercial remote-sensing services.

 


Ito ang unang pagkakataong inilunsad ng Tsina ang isang constellation network, sa pamamagitan ng komersyal na rocket.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio