De-kalidad na kooperasyon ng Tsina at Singapore, isusulong – Xi Jinping

2022-11-18 17:10:33  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 17, 2022, sa Bangkok, Thailand, kay Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang pagnanais na pahigpitin ang pagpapalitan ng Tsina at Singapore sa mataas na antas.

 

Aniya, dapat maayos na isakatuparan ng dalawang bansa ang “New International Land-Sea Trade Corridor,” isang landmark na proyekto ng Tsina at Singapore sa ilalim ng “Belt and Road Initiative.”

 

Bukod diyan, kailangan din aniyang palakasin ng Tsina’t Singapore ang pag-u-upgrade ng mga proyektong pangkooperasyon sa larangan ng didyitalisasyon, berdeng pag-unlad, at iba pa, upang agarang maisagawa ang talastasan hinggil sa pagpapanibago ng China-Singapore Free Trade Agreement, mapataas ang ginhawa ng kalakalan at pamumuhunan, at mapasulong ang pagpapalitan ng mga tauhan.

 

Samantala, ipinahayag naman ni Lee na sa harap ng masalimuot na pandaigdigang kalagayan, inaasahan niyang lalo pang mapapalakas ang relasyon ng Singapore at Tsina.

 

Kasama ng Tsina, nais ng Singapore na ituloy ang pagpapabuti ng bilateral na sistemang pangkooperasyon, at pasulungin ang pag-u-upgrade ng mga kooperatibong proyekto ng dalawang bansa.

 

Sinabi pa niyang positibo ang Singapore sa pag-unlad ng Tsina, at suportado rin nito ang Global Development Initiative.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio