Xi Jinping, nanawagan para sa malaya’t bukas na kalakalan at pamumuhunan

2022-11-19 18:27:32  CMG
Share with:

Sa Ika-29 na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting, na patuloy na idinaos ngayong araw, Nobyembre 19, 2022, sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang malaya at bukas na kalakalan at pamumuhunan ay layunin at simulain ng APEC, at mahalaga rin para isakatuparan ang Putrajaya Vision 2040.

 

Nanawagan si Xi para itaguyod ang tunay na multilateralismo, at pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan.

 

Dapat igiit ang pakinabang para sa lahat, at isakatuparan ang bukas na kooperasyong panrehiyon, para magkakasamang pasulungin ang kasaganaan sa Asya-Pasipiko, dagdag niya.


Editor: Liu Kai