Sa kanilang pag-uusap Sabado, Nobyembre 19, 2022 sa Bangkok, Thailand, inanunsyo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand ang pagtatatag ng mas matatag, masagana at sustenableng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.
Saad ni Xi, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Thai, na palaganapin ang espesyal na pagkakaibigang “magkapamilya ang Tsina at Thailand,” likhain ang makabagong panahon ng bilateral na relasyon, at ihatid ang mas maraming kabiyayaan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Aniya, dapat ipatupad ng kapuwa panig ang plano sa komong aksyon ng estratehikong kooperasyon ng Tsina at Thailand sa darating na 5 taon, at koordinadong pasulungin ang pagtamo ng kanilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan ng mas maraming bunga.
Dapat gawing mabisang sinerhiya ng sarili nilang estratehiyang pangkaunlaran, at pasulungin ang de-kalidad na konstruksyon ng Belt and Road, dagdag ni Xi.
Inihayag din niya ang kahandaan ng bansa na de-kalidad na ipatupad, kasama ng iba’t ibang panig na kinabibilangan ng Thailand, ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), para pasiglahin ang mas malaking benepisyong dulot ng naturang sona ng malayang kalakalan.
Handa ang Tsina na palakasin ang pakikipagkoordina sa panig Thai sa mga suliraning pandaigdig, upang gawin ang positibong sigasig sa pagpapasulong sa pangmatagalang kapayapaan at pangmalayuang kaunlaran ng daigdig, ani Xi.
Bumati naman si Prayut sa matagumpay na pagdaraos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at muling paghalal ni Xi bilang Pangkalahating Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Thailand at Tsina.
Nakahanda ang panig Thai na palakasin ang pakikipagpalitan sa panig Tsino sa mataas na antas, aktibong ipatupad ang mga planong pangkooperasyon, at palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, pagbibigay-tulong sa mahihirap, konektibidad ng imprastruktura, cyber security, pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen at iba pa.
Diin niya, sinusuportahan ng Thailand ang Global Development Initiative at Global Security Initiative na iniharap ni Pangulong Xi, at kinakatigan ang pagpapatingkad ng Tsina ng mas malaking papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Magkasamang sumaksi ang dalawang lider sa paglagda ng Plano sa Magkasanib na Aksyon sa Estratehikong Kooperasyon ng Tsina at Thailand mula 2022 hanggang 2026, Plano sa Kooperasyon sa Magkasamang Pagpapasulong sa Konstruksyon ng Belt and Road, at isang serye ng mga dokumentong pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, e-commerce, inobasyon ng siyensiya’t teknolohiya at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Lito