Xi Jinping, bumati sa pagbubukas ng Ika-6 na Ekspo ng Tsina at Timog Asya

2022-11-19 18:28:26  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Nobyembre 19, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa Ika-6 na Ekspo ng Tsina at Timog Asya, na binuksan sa Kunming, lunsod sa timog kanluran ng Tsina.

 

Ipinahayag niya ang pag-asang sasamantalahin ng Tsina at mga bansang Timog-Asyano ang ekspong ito, para palakasin ang komong palagay sa pagkakaisa, pagtutulungan, at komong pag-unlad.

 

Sinabi rin ni Xi, na kailangang hanapin ng mga bansa ang mga bagong larangan ng kooperasyon at pasulungin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road, para magbigay-tulong sa pagpapatupad ng Global Development Initiative at magkakasamang lumikha ng mas masagana at magandang kinabukasan.


Editor: Liu Kai