CMG Komentaryo: Aktuwal na aksyon, isinasagawa ng Tsina bilang tugon sa pagbabago ng klima

2022-11-22 16:39:50  CMG
Share with:




Sharm el Sheikh, Ehipto – Pinagtibay sa Ika-27 Sesyon ng Conference of the Parties (COP27) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ang pagtatatag ng“Loss and Damage Fund” para tulungan ang mga umuunlad na bansang apektado ng pagbabago ng klima.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ang nasabing pondo ay positibong progreso sa pandaigdigang pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Sa loob ng mahabang panahon, palagiang isinasagawa ng Tsina ang mga aktuwal na aksyon sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Noong 2021, ang bolyum ng pagbuga ng CO2 per unit GDP ng bansa ay bumaba ng halos 34.4% kumpara noong 2012.

 

Bukod dito, halos USD$280 bilyon ang ipinuhunan ng Tsina sa larangan ng renewable energy na nasa unang puwesto sa daigdig.

Sa katatapos na COP27 meeting, halos isandaang pagsasanggunian ang komprehensibong nilahukan ng delegasyong Tsino upang talakayin ang isyu ng pangangalaga sa kapakanan ng mga umuunlad na bansa at pasulungin ang pagkakaroon ng komong palagay.

 

Ipinahayag ng kinatawang Tsino na noong 2020, ipinatupad ng Tsina ang pangako sa pagbabawas ng emisyon at sa pundasyong ito, buong sikap na isinasakatuparan ng bansa ang target na carbon neutrality bago ang taong 2060.

 

Ito rin ang target ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pagpapasulong ng maharmonyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan.

 

Sa kasalukuyan, kinakaharap pa rin ng daigdig ang mga hamon sa pagbabago ng klima.

 

Dahil dito, dapat isakatuparan din ng mga maunlad na bansa ang kanilang mga pangako sa pagbibigay tulong sa mga umuunlad na bansa sa isyung ito. 


Salin:Ernest 

Pulido:Rhio