Inihayag, Nobyembre 24, 2022 ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na napanumbalik at lumampas pa sa lebel bago mag-pandemiya ang kabuhaya’t kalakalan sa pagitan ng Tsina’t mga bansa ng Latin-Amerika at Caribbean.
Dagdag niya, nilagdaan ng 21 bansa sa Latin-Amerika, kasama ng Tsina ang dokumentong pangkooperasyon ng Belt and Road.
Hinggil sa relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Cuba, inihayag ni Shu na ang Cuba ay unang bansa sa Latin Amerika at Caribbean at kanlurang hemisperyo na nagtatag ng relasyong diplomatiko sa Republika ng Bayan ng Tsina.
Bilang ika-2 pinakamalaking trade partner ng Tsina sa rehiyon ng Caribbean, aktibo aniyang ipinatutupad ng Cuba ang Belt and Road Initiative at Global Development Initiative, at may malawakang kooperasyon ang kapuwa panig sa mga larangang gaya ng agrikultura, renewable energy, biomedisina, telekomunikasyon, turismo, imprastruktura at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio