Pagpapatrolya ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Biyetnam sa Gulpo ng Beibu, sinimulan

2022-11-25 14:03:08  CMG
Share with:

Sinimulan, Nobyembre 24, 2022 ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Biyetnam ang 2-araw na magkasanib na pagpapatrolya sa Gulpo ng Beibu.

 

Ito ang ika-33 beses nang magkasamang pagpapatrolya ng dalawang bansa, sapul nang malagdaan ang kasunduan hinggil dito, at kauna-unahan makaraang ilabas ang magkasanib na pahayag hinggil sa ibayo pang pagpapalakas at pagpapalalim ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina’t Biyetnam.

 

Bukod diyan, inorganisa rin ng dalawang hukbo ang magkasamang pagsasanay sa paghahanap at pagliligtas sa dagat.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio