Tsina, isinagawa ang kauna-unahang in-orbit na pagsubok ng mga space fuel cell sa space station

2022-11-26 18:48:59  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kahapon, Nobyembre 25, 2022, ng China Academy of Space Technology, matagumpay na isinagawa ng Tsina ang kauna-unahang in-orbit na pagsubok ng mga space fuel cell sa space station ng bansa.

 

Sa pamamagitan nito, sinubok ang pagtakbo ng sistema ng mga fuel cell sa vacuum, mababang temperatura, at microgravity.

 

Sinabi ng naturang akademiya, na nagbigay ito ng mga mahalagang data para sa pagpapaunlad ng space fuel cell sa hinaharap.


Editor: Liu Kai