Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 27, 2022, sa Beijing, kay Igor Morgulov, bagong Embahador ng Rusya sa Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na kahit ano man ang maging pagbabago sa kalagayang pandaigdig, isusulong pa rin ng Tsina at Rusya ang estratehikong pagtitiwalaan at pragmatikong kooperpasyon; itutuloy ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership; at magkasamang pangangalagaan ang katarungan sa daigdig.
Mainit ding sinalubong ni Wang ang panunungkulan ni Morgulov bilang bagong embahador.
Aniya, patuloy na ipagkakaloob ng panig Tsino ang suporta’t tulong sa mga gawain niya bilang embahador ng Rusya sa Tsina.
Dapat panatilihin ng dalawang panig ang pagpapalitan sa mataas na antas, palakasin ang ugnayan, koordinahan at kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at orgranisyong gaya ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at Brazil, Russia, India, China, at South Africa (BRICS), para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon at daigdig, dagdag ni Wang.
Sabi naman ni Morgulov na, nakahandang magsikap ang kanyang bansa, kasama ng Tsina, para mapalalim ang komprehensibong kooperasyon, magkasamang tutulan ang hegemonyang pandaigdig at pagiging unipolar ng mundo; at pangalagaan ang kaayusan ayon sa pandaigdigang batas at United Nations (UN) charter.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio