Matatag at malusog na relasyong Sino-Hapones, mabuti sa rehiyon at buong daigdig -Li Keqiang

2022-11-29 16:53:52  CMG
Share with:


Chinese Premier Li Keqiang addresses the eighth China-Japan Business Leader and Former High-Level Government Official Dialogue via video link, November 28, 2022. /Xinhua


Sa kanyang naka-video na talumpati, Nobyembre 28, 2022, sa China-Japan Business Leader and Former High-Level Government Official Dialogue, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang Tsina’t Hapon ay dalawa sa mga pangunahing ekonomiya ng daigdig, na may komong interes at malawak na sakop ng kooperasyon.

 

Aniya, ang pagpapanatili ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa komong interes ng dalawang panig, alinsunod sa kapakanan ng mga Tsino’t Hapones, at mabuti sa rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, istabilidad, at pag-unlad.

 

Dapat magsikap ang dalawang bansa tungo sa mapayapa at mapakaibigang pakikipamuhayan, sundin ang mga prinsipyo ng apat na dokumentong pulitikal ng Tsina’t Hapon, obdyektibo at rasyonal na pakitunguhan ang pag-unlad ng isa’t-isa, igalang at itrato ang isa’t-isa bilang magkapantay, panatilihin ang mapayapang panlabas na kapaligiran, at isakatuparan ang komong pag-unlad ng Tsina, Hapon, at mga bansa sa rehiyon, saad ni Li.

 

Tinukoy rin niya na maaaring pasulungin at palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at nakahanda ang Tsina na palakasin ang diyalogo sa Hapon sa larangan ng didyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad, pinansiya, at kalusugan at pag-aaruga sa matatanda, habang pinapanatili ang matatag at walang-patid kadena ng industriya at suplay tungo sa win-win na resulta.

 

Binigyan-diin ni Li na ang pagbubukas sa labas ay puntamental na patakaran ng Tsina, at nagsisikap ang bansa upang itatag ang malaya at makatarungang pakikipagkalakalan, isulong ang market-oriented at na-aayon sa batas na internasyonal na kapaligirang pang-negosyo, at pantay na pagtrato sa lahat ng kompanya.

 

Ang Tsina aniya ay palaging isang malaking merkado ng mundo at destinasyon ng mga puhunang dayuhan, at winewelkam nito ang lahat ng kompanya mula sa lahat ng bansa na kinabibilangan ng mga kompanyang Hapon, upang patuloy na mapalawak ang kooperasyon at maibahagi ang mga oportunidad na handog ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio