Bumisita mula Nobyembre 14 hanggang 18, 2022 sa Hapon ang Task Force ng International Atomic Energy Agency (AIEA) para maglakbay-suri sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Station.
Isasapubliko ng IAEA ang ulat ng konsultasyon sa loob ng darating na tatlong buwan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, ang pagkatig ng kanyang bansa sa mga gawain ng nasabing task force sa tubig na kontaminado ng prosesong nuklear.
Umaasa aniya siyang igagarantiya ng IAEA ang lubos na kaligtasan sa paghawak ng nasabing kontamindaong tubig, batay sa siyentipiko, makatarungan at obdyektibong prinsipyo.
Pero, paglilinaw ni Mao, ang pagkatig ng Tsina sa gawain ng IAEA ay hindi katumbas ng pagsang-ayon sa maling kapasiyahan ng Hapon na padaluyin ang kontamindaong tubig sa dagat.
Nais ng Tsina na mataimtim na tugunan ng Hapon ang pagkabahala ng iba’t-ibang panig at hanapin ang maayos na paraan sa paghawak ng kontamindaong tubig sa responsableng artityud, saad pa niya.
Salin:Ernest
Pulido:Rhio