Bali, Indonesya—Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Nobyembre 16, 2022 kay Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang bansa ay matibay na tagapagsuporta ng sistemang pandaigdig na ang nukleo ay UN.
Handa aniya ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon sa UN, upang mapasulong ang pagkakamit ng aktuwal na bunga ng Global Development Initiative (GDI) at Global Security Initiative (GSI).
Patuloy na igigiit ng Tsina ang tunay na multilateralismo, at buong tatag na susuportahan ang mga gawain ng UN, dagdag niya.
Inihayag naman ni Guterres ang suporta ng UN sa simulaing isang Tsina.
Aniya, ito ay pulang linyang di-maaaring tawirin at dapat igalang.
Umaasa siyang gaganapin ng Tsina ang mas mahalagang papel para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio