Pangulo ng Tsina at Laos, nag-usap: komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng 2 bansa, palalakasin

2022-12-01 12:17:36  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing – Sa kanilang pag-uusap, Nobyembre 30, 2022, ipinagdiinan nina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo ng bansa, ang paggigiit sa prinsipyong “pangmatalagang katatagan, pagkakaibigan ng magkapitbansa, pagtitiwalaan, komprehensibong kooperasyon” at diwa ng “matalik na magkapitbansa, magkaibigan, magkasama at magkatuwang.”

 

Nagkasundo rin sila sa walang humpay na pagpapalalim ng konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos, at gawin ang positibong sigasig at ambag para isulong ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Saad ni Xi, sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan, nagpapatuloy ang mabuting ugnayan sa pagitan niya at ni Thongloun, at narating nila ang maraming mahahalagang komong-palagay ukol sa pag-unlad ng bilateral na relasyon at konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Kasama ng pangulong Lao, nakahanda aniya siya na palakasin ang pragmatisasyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, mas mainam na ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan, at pasulungin ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.

 

Nakahanda ang CPC na palakasin ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagpapalitan sa LPRP; igiit ang kaisipang pangkaunlaran, na ang sentro ay mga mamamayan; patibayin ang kompiyansa sa pagtahak sa landas ng sosyalismo; at magkasamang hanapin ang bagong pamamaraan ng modernisasyon ng sangkatauhan, dagdag ni Xi.

 


Inihayag naman ni Thongloun ang taos-pusong pakikidalamhati sa pagyao ni dating Pangulong Jiang Zemin ng Tsina.

 

Ito aniya ay napakalaking kapinsalaan sa partido at mga mamamayang Tsino.

 

Pinasalamatan din niya ang ibinigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng Laos nitong nakalipas na mahabang panahon.

 

Umaasa aniya siyang mapapalakas pa ng dalawang partido, mga kaukulang departamento at organo ng dalawang bansa ang pagpapalitan; mapapalalim ang kooperasyon sa seguridad at depensa; maisusulong ang pragmatikong kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan; mapapasulong ang mabisang sinerhiya ng Belt and Road Initiative at estratehiya ng Laos sa pagiging land-linked hub, mula sa dating landlocked country; mapapahigpit ang pag-uunawaan at pagpapalitang tao-sa-tao; at maidudulot ang mas malaking pag-unlad ng relasyong Lao-Sino.

 

Makaraan ang pag-uusap, sumaksi ang dalawang lider sa paglagda ng mga dokumentong pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng pagpapalitang pangpartido, kabuhayan, kalakalan, pinansya, kultura, edukasyon, lokal na usapin, at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio