Proyekto ng pagbibigay-saklolo sa mga batang Lao sa paaralan, inilunsad

2022-11-24 15:30:58  CMG
Share with:


Sa pamamagitan ng United Nations World Food Programme (WFP), inilunsad, Nobyembre 22, 2022 sa Vientiane, Laos ang tulong na proyekto ng Tsina, na ipagkaloob ang mga pagkain sa mga bata sa paaralan ng Laos.

 

Ito ang kauna-unahang proyekto ng Global Development Initiative (GDI) sa Laos.

 

Ayon sa press release ng Pasuguan ng Tsina sa nasabing bansa, sa ilalim ng Global Development and South-South Cooperation Fund ng Tsina, at sa pamamagitan ng WFP, ipagkakaloob ang 930 toneladang bigas at 120 toneladang de-latang isda sa mahigit 130,000 estudyante sa mahigit 1,400 primaryang paaralan ng 8 lalawigan ng Laos.

 

Sa kani-kanilang talumpati, lubos na pinapurihan nina Phout Simmalavong, Ministro ng Edukasyon at Palakasan ng Laos, at Jan Delbaere, Kinatawan ng WFP sa Laos ang GDI na iniharap ng Tsina, at suporta ng Global Development and South-South Cooperation Fund sa usapin ng edukasyon at pagbabawas sa karalitaan ng Laos.

 

Umaasa silang ilalim ng balangkas ng GDI at sa pamamagitan ng propesyonal na kakayahan ng organo ng UN, magkasamang maisasagawa ang ambag para sa pag-unlad ng usaping may kinalaman sa pundamental na pamumuhay ng mga mamamayang Lao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio