Tsina sa Amerika: iwaksi ang ideya ng Cold War at likhain ang kondisyon para sa disarmamentong nuklear

2022-12-01 15:58:31  CMG
Share with:

Kaugnay ng ulat ng Departamento ng Depensa ng Amerika hinggil sa puwersang militar ng Tsina, ipinahayag Nobyembre 30, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, paulit-ulit na ikinakalat ng Amerika ang di-umano’y “banta ng Tsina.”

 


Layon nito aniyang ikalat ang preteksto para sa sariling pagpapalawak ng arsenal na nuklear at panatilihin ang pamamayaning militar.

 

Diin ni Zhao, palagi at maliwanag ang patakaran ng Tsina hinggil sa usaping nuklear, at matatag itong sumusunod sa estratehiyang nuklear, na pagtatanggol sa sarili.

 

Paliwanag pa niya, iginigiit ng Tsina ang patakarang “no-first-use,” at hindi ito makikisangkot sa anumang porma ng arms race.

 

Aniya pa, dapat mataimtin na isaalang-alang ng Amerika ang sariling patakarang nuklear, itakwil ang ideya ng Cold War at hegemonikal na lohika, itigil ang pagsira sa estratehikong katatagan ng buong mundo, aktuwal na isakatuparan ang espesyal at primaryang responsibilidad sa disarmamentong nuklear, at lalo pang bawasan ang nuklear na arsenal nito, para malikha ang kondisyon sa pagsasakatuparan ng komprehensibong disarmamentong nuklear.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio