Inilabas kamakailan ng Federal Communications Commission (FCC) ng Amerika ang utos na nagbabawal sa pagbebenta sa pamilihang Amerikano ng mga kagamitan sa telekomunikasyon at video surveillance na gawa ng mga kompanyang Tsino.
Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Setyembre 28, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, ang matinding pagtutol sa nasabing kapasiyahan.
Tinukoy niyang ang aksyon ng Amerika ay pang-aabuso sa konsepto ng pambansang seguridad at paghadlang sa normal na pagnenegosyo ng mga bahay-kalakal.
Ani Zhao, ang naturang aksyon ay labag sa prinsipyo ng market economy at tadhana ng kalakalang pandaigdig.
Hinimok niya ang panig Amerikano na itigil ang pagsasapulitika at pagsasandata ng mga isyung pangkabuhayan, pangkalakalan, at pansiyensya’t teknolohiya, at ipagkaloob ang makatarungan, patas at walang diskriminasyong kapaligiran sa mga bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Tsina.
Idiniin ni Zhao na patuloy at matatag na pangangalagaan ng Tsina ang lehitimong kapakanan at karapatan ng mga bahay-kalakal nito.