Premyer Tsino at Pangulong Lao, nagtagpo

2022-12-01 15:32:44  CMG
Share with:


Nobyembre 30, 2022, Beijing –  Sa pagtatagpo nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo Lao, sinabi ni Li na nakahandang palakasin ng Tsina ang pagpapalitan ng mga karanasan sa pag-unlad at palawakin ang espasyo ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Laos.

 

Nais din aniyang isulong Partido Komunista ng Tsina (CPC) pakikipag-ugnayan sa LPRP.

 

Dagdag niya, palalawakin ng Tsina ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultural mula sa Laos at pasusulungin ang pamumuhunan at pagnenegosyo ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa bansa.

 

Ipinahayag naman ni Thongloun na nitong ilang taong nakalipas, patuloy na umuunlad ang relasyon at kooperasyon ng dalawang panig.

 

Sa tulong ng Tsina, nakahanda aniya ang Laos na patingkarin ang papel ng daambakal sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Hinihintay ng Laos ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa bansa, saad pa niya.