Labi ni Kasamang Jiang Zemin, dinala sa Beijing

2022-12-02 14:20:42  CMG
Share with:

Sakay ng pribadong eroplano, dinala, Disyembre 1, 2022 sa lunsod Beijing mula sa lunsod Shanghai ang labi ni Kasamang Jiang Zemin, dating lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at dating pangulo ng bansa.

 


Kasama ang iba pang mga lider ng CPC at bansa, pinangunahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pagsalubong sa labi ni Kasamang Jiang sa Xijiao Airport.

 


Ipinahayag din niya ang taos-pusong pakikidalamhati at pakikiramay sa mga kapamilya ni Kasamang Jiang.

 


Pumanaw, Nobyembre 30 sa Shanghai si Kasamang Jiang Zemin sa edad na 96.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio