Great Hall of the People, Beijing – Nagtagpo Disyembre 1, 2022 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Charles Michel, dumadalaw na Presidente ng European Council (EC).
Isinaad ni Li na ang Tsina at Europa ay mahalagang puwersa sa pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at pagpapasulong sa komong kaunlaran.
Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ang panig Europeo, na igiit ang simulain ng paggagalangan at pantay na pakikitungo sa isa’t-isa, para ibayo pang mapalawak ang kooperasyon; maayos na hawakan ang mga kontradiksyon at hidwaan; magkasamang pangalagaan ang seguridad ng enerhiya at pagkaing-butil; at patatagin ang industry at supply chain sa mundo, tungo sa pagpapasulong ng matibay at maunlad na komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang panig.
Aniya pa, matatag na susuportahan ng Tsina ang integrasyon ng Europa, at inaasahan ang pagpapalawak ng pagbubukas sa isa’t-isa.
Sinabi naman ni Michel na iginigiit ng Europa ang prinsipyong isang Tsina, at umaasa siyang mas mapapahigpit ang pagpapalitan sa mataas na antas sa pagitan ng Unyong Europeo (EU) at Tsina.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio