Tsina at EU, magkatuwang at hindi magkaribal - Wang Yi

2022-05-26 17:37:36  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono, ngayong araw, Mayo 26, 2022 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Catherine Colonna, bagong Ministro sa mga Suliraning Pang-Europa at Panlabas ng Pransya, sinabi ni Wang, na ang Tsina at European Union (EU) ay magkatuwang at hindi magkaribal.

 

Aniya, ang pagkakaibigan at pagtutulungan ang pangunahing nilalaman ng relasyon ng dalawang panig.

 

Kaugnay nito, dapat aniyang igalang ng Tsina at EU ang isa’t isa, palalimin ang pag-uunawaan, at isagawa ang tapat at malalimang pag-uugnayan.

 

Ani Wang, nakahanda siyang magsikap, kasama ni Colonna, para pasulungin ang relasyong Sino-Pranses, isulong ang kooperasyong Sino-EU, at pabutihin ang pandaigdigang pangangasiwa.

 

Ipinahayag naman ni Colonna ang pagpapahalaga ng Pransya sa diplomatikong tradisyon ng independensya ng bansa.

 

Ipinangako rin niyang pasusulungin ng Pransya ang kooperasyong EU-Sino, at haharapin kasama ng Tsina ang mga pandaigdigang hamon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan