Lahat ng mga sakdal laban kay Meng Wanzhou, inalis ng Amerika

2022-12-04 18:56:47  CMG
Share with:

Inalis noong Biyernes, Disyembre 2, 2022, ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika, ang lahat ng mga sakdal laban kay Meng Wanzhou, ehekutibo ng kompanyang Huawei ng Tsina, na inaresto minsan sa Kanada, batay sa kahilingan ng Amerika dahil sa di-umanong paratang ng pinaghihinalaang pandaraya sa bangko.

 

Sinabi rin ng naturang kagawaran, na walang ginawang paglabag ni Meng sa deferred prosecution agreement sa panahon ng kasunduang ito, kaya inalis ang lahat ng mga sakdal at hindi rin puwedeng muling iharap.


Editor: Liu Kai