Kremasyon ng labi ni Jiang Zemin, ginanap sa Beijing

2022-12-05 17:55:38  CMG
Share with:

Disyembre 5, 2022, Babaoshan Revolutionary Cemetery sa kanluran ng Beijing - Ginanap ang kremasyon sa labi ni Jiang Zemin, dating Pangulo ng Tsina na yumao, Nobyembre 30.

 

Bago rito, nagbigay-galang kay Kasamang Jiang sa Chinese PLA General Hospital si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa at iba pang mga lider ng partido at estado.

 

Sinundan din nila ang paghahatid sa labi ni Jiang sa sementeryo para sa kremasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan