Isang minutong katahimikan para kay Jiang Zemin, inalay sa UNSC

2022-12-02 14:26:08  CMG
Share with:

Bago idaos ang pulong ng United Nations Security Council (UNSC), Nobyembre 30 (local time), 2022, isang minutong katahimikan ang inalay ng mga kinatawan ng iba’t-ibang bansa kaugnay ng pagyao ni Jiang Zemin, dating lider ng Tsina na pumanaw nang araw ring iyon.

 

Sa kanyang talumpati sa simula ng pulong, inihayag ni Harold Agyeman, kasalukuyang Tagapangulo ng UNSC at Pirmihang Kinatawan ng Ghana sa UN, na napakalaking ambag ang ginawa ni dating Pangulong Jiang Zemin ng Tsina para sa kapayapaan, seguridad at kaunlaran ng daigdig, pati na rin sa reporma, pagbubukas, modernisasyon at pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.

 

Ani Agyeman, laging nasa gunita ng komunidad ng daigdig si Jiang.

 

Ang pagpanaw ni Jiang ay malaking kapinsalaan sa Tsina at komunidad ng daigdig, saad pa niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio