China-Africa Youth Forum on Volunteering, binuksan

2022-12-05 15:35:26  CMG
Share with:



a ilalim ng temang “Pagtitipun-tipon ng puwersa ng mga kabataang boluntaryo tungo sa pag-unlad ng Tsina at Aprika,” binuksan sa Beijing, Disyembre 2, 2022 ang China-Africa Youth Forum on Volunteering.

 

Sinabi ni Xu Xiao, Pangalawang Presidente ng All-China Youth Federation, na ipinagkakaloob ng naturang porum ang isang bagong plataporma para sa pagsapi ng mga kabataan sa usapin ng kaunlarang pandaigdig at Global Development Initiative.

 

Dagdag niya, handa ang kanyang pederasyon na palakasin ang kooperasyon sa mga pamboluntaryong organisasyon ng mga kabataan ng Aprika, upang mapasulong ang pag-unlad ng mga kabataang Tsino’t Aprikano.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio