MOFA: Tsina, katig sa maayos na paglutas sa isyu ng utang ng Sri Lanka

2022-12-06 18:13:56  CMG
Share with:

Napa-ulat na bibisita ngayong linggo sa Tsina ang isang grupo mula sa International Monetary Fund (IMF) para talakayin ang hinggil sa pagre-estruktura ng utang ng mga bansang gaya ng Sri Lanka.

 

Kaugnay nito, ipinahayag, Disyembre 5, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, na napapanatili ng Tsina ang pangmatagalan at mainam na relasyon, at kooperasyon sa mga pandaigdigang organisasyong pinansiyal na gaya ng IMF.

 

Saad ni Mao, kinakatigan ng kanyang bansa ang pakikipagsangguni sa mga pandaigdigang organisasyong pinansiyal at Sri Lanka para maayos na malutas ang usapin tungkol sa utang.

 

Nanawagan din ni Mao sa mga may-kinalamang bansa at pandaigdigang organisasyong pinansiyal na samahan ang Tsina upang tulungan ang Sri Lanka na harapin ang kasalukuyang kahirapan, bawasan ang pasanin sa utang at isakatuparan ang sustenableng pag-unlad.

Salin:Ernest

Pulido:Rhio