Kaugnay ng pagpunang inilabas sa Ika-4 na High-level Meeting ng US-EU Dialogue on China, Disyembre 2, 2022 hinggil sa di-umano’y “economic coercion” at mga suliraning panloob ng Tsina, ipinahayag, Disyembre 5, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, ang matinding pagtutol ng panig Tsino sa pakikialam ng Amerika at Unyong Europeo (EU) sa mga suliraning panloob ng bansa at pagdungis sa imahe nito.
Sinabi ni Mao, na ang kooperasyon ng Amerika at EU ay hindi dapat nakatuon sa ikatlong panig, at magudyok sa komprontasyon.
Aniya pa, bilang isang responsableng miyembro ng komunidad ng daigdig, palagiang iginigiit ng Tsina ang pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at kaayusan, at pagpapasulong sa pag-unlad ng buong mundo.
Batay sa responsableng atityud, hinimok ni Mao ang Amerika at EU, na isagawa ang mas maraming aksyong nakakabuti sa katatagan at kasaganaan ng daigdig.
Salin:Ernest
Pulido:Rhio