Kaugnay ng pagdaraos ng Ika-2 Yugto ng Ika-15 Conference of the Parties (COP15) to the United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD) sa Montreal, Kanada, ipinahayag, Disyembre 7, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na patitingkarin ng kanyang bansa ang papel nito bilang tagapangulong bansa ng nasabing pulong, mahigpit na makikipagkooperasyon sa iba’t-ibang panig para pasulungin ang pagdating ng “Post-2020 Global Biodiversity Framework,” at pasulungin ang komprehensibong pagsasakatuparan ng tatlong pangunahing target ng UNCBD na kinabibilangan ng pangangalaga sa biodibersidad, sustenableng paggamit, at pagbabahagi ng benepisyo ng biodibersidad.
Diin ni Mao, mahalaga sa Tsina ang pangangalaga sa biobersidad.
Dagdag niya, sa pamamagitan ng mataas na mithiing pulitikal at aktuwal na aksyon, palaging pinapasulong ng Tsina ang proseso ng COP15 sapul nang manungkulan ito bilang tagapangulong bansa.
Ito ay nagbigay ng ambag sa pangangalaga sa biobersidad ng buong mundo, aniya pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio