Kasabay ng kanyang pagdalo sa kauna-unahang China-Arab States Summit at China-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit at dalaw-pang-estado sa bansa, inilabas Huwebes, Disyembre 8, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang may lagdang artikulong pinamagatang “Pagpapamana ng Milenyang Pagkakaibigan at Magkasamang Paglikha ng Magandang Kinabukasan,” sa pahayagang Al Riyadh.
Ayon sa artikulo, layon ng biyahe ni Xi na isulong ang tradisyonal na pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe, mga bansa sa Gulpo, at Saudi Arabia.
Sinariwa rin nito ang kasaysayan ng mapagkaibigang pakikipagpalitan ng Tsina at mga bansang Arabe at Saudi Arabia, at iniharap ang sumusunod na mungkahi kaugnay ng pag-unlad ng relasyon sa hinaharap:
Una, kailangan ang pagbubuklud-buklod at pagtutulungan, upang mabuo ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at mga bansang Arabe tungo sa makabagong panahon.
Ika-2, kailangan ang pagkakapit-bisig upang itatag ang estratehikong partnership ng Tsina at GCC.
At ika-3, lalo pang pagpupunyagi para pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Saudi Arabia sa bagong antas.
Anang artikulo, bilang matibay na puwersa sa pagtatanggol ng kapayapaan ng daigdig at pagpapasulong sa komong kaunlaran, sa mula’t mula pa’y ipinagkakaloob ng Tsina ang bagong pagkakataon sa iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng mga bansang Arabe, sa pamamagitan ng sariling kaunlaran.
Kasama ng mga kapatid na Arabe, handa ang Tsina na ipamana ang tradisyonal na pagkakaibigan, at likhain ang magandang kinabukasan, dagdag ni Xi.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
2022 Chinese-Arab Media Cooperation Forum, ginanap sa Saudi Arabia
Xi Jinping, dadalo sa China-Arab Summit, China-GCC Summit at opisyal na dadalaw sa Saudi Arabia
Leadership meeting ng CPC sa usaping pangkabuhayan sa 2023, pinanguluhan ni Xi Jinping
Simposyum sa pagkalap ng kuru-kuro sa usaping pangkabuhayan, itinaguyod ng liderato ng Tsina