Xi Jinping, dadalo sa China-Arab Summit, China-GCC Summit at opisyal na dadalaw sa Saudi Arabia

2022-12-07 14:29:41  CMG
Share with:

Inanunsyo Miyerkules, Disyembre 7, 2022 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Disyembre 7 hanggang 10, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kauna-unahang China-Arab States Summit at China-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit sa Riyadh, Saudi Arabia, at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa bansa.

 

Dagdag ni Hua, isasagawa ni Xi ang nasabing mga pagdalo’t pagdalaw, sa bisa ng paanyaya ni Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio