Riyadh, kabisera ng Saudi Arabia – Ginanap, Disyembre 5, 2022 ang 2022 Chinese-Arab Media Cooperation Forum.
Sa kanyang video speech, inihayag ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), na gagawing pagkakataon ng CMG ang porum upang mapalalim ang pakikipagpalitan at diyalogo sa iba’t-ibang sirkulo ng lipunan ng mga bansang Arabe.
Ito rin aniya ay magpapalakas ng pragmatikong kooperasyon, aktibong magsusulong sa Global Development Initiative at Global Security Initiative, at pagkakataon upang magkasamang mai-angat sa mas mataas na antas ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at mga bansang Arabe.
Bilang isang mahalagang bunga ng porum, magkasamang inilunsad ng CMG at Arab States Broadcasting Union ang inisyatibang magpapalalim sa pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Tsina at mga bansang Arabe, at pagkakataon sa media upang tumulong sa pagpapasulong sa estratehikong partnership ng dalawang panig.
Sa pamamagitan ng kapuwa online at offline na plataporma, dumalo sa pulong ang mga opisyal ng pamahalaan, kinatawan ng media at iskolar mula sa Tsina at 22 bansang Arabe.
Ito ay magkasamang itinaguyod ng CMG at Ministri ng Media ng Saudi Arbia.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Xi Jinping, dadalo sa China-Arab Summit, China-GCC Summit at opisyal na dadalaw sa Saudi Arabia
China Documentary Festival, matagumpay na pinasinayaan sa UNESCO
Kooperasyon ng CMG at Public Relations Department ng Thailand, palalakasin
Preview conference na “China on a New Journey,” idinaos sa Bangladesh