Sarbey ng CGTN at Tsinghua: 85% ng respondente, suportado ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan

2022-12-09 07:39:01  CMG
Share with:

Sa okasyon ng pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kauna-unahang China-Arab States Summit, China-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit, at dalaw-pang-estado sa Saudi Arabia, magkasamang inilunsad ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) at Tsinghua-Epstein Center for Global Media and Communication, ang isang sarbey sa 4,000 respondente mula sa 20 iba’t-ibang bansa.

 

Ayon sa resulta, hanga ang 94.2% ng mga respondente sa komong kahalagahan ng “kapayapaan, kaunlaran, katuwiran, katarungan, demokrasya, at kalayaan” ng sangkatauhan na iniharap ng Tsina.

 

Samantala, pinuri naman ng 85% ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Bukod diyan, 78.4% ang sang-ayon sa Global Development Initiative (GDI), at sa kanilang palagay, ang kaunlaran ay mahalagang paraan sa pagresolba sa mga problemang pandaigdig.

 

Sa kabilang banda, suportado rin ng 85.6% ang Global Security Initiative (GSI) na iniharap ng panig Tsino, dahil sa pananaw nila, ang seguridad ay paunang kondisyon ng kaunlaran.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio