C919, inihatid sa kauna-unahang kliyente

2022-12-09 15:16:57  CMG
Share with:


Tumulak, ngayong araw, Disyembre 9, 2022, mula Shanghai Pudong International Airport patungo sa Shanghai Hongqiao International Airport ang eroplanong C919 na may numerong B-919A.

 

Ito ang kauna-unahang paghahatid ng nasabing uri ng eroplano sa unang kliyente – ang China Eastern Airlines.

 

Ang C919 ay ang unang malaking pampasaherong eroplano na sariling idinisenyo at yari ng Tsina.

 

Ito ay may kapasidad na 158 hanggang 174 na upuan, at layong ma-aabot na 4,075 hanggang 5,555 kilometro.

 

Sa loob ng mahabang panahong pagsisikap, ang pangarap ng Tsina na magkaroon ng malaking pampasaherong eroplano ay isa nang kaganapan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio