Merkado ng fast-moving consumer goods ng Tsina, posibleng bumangon sa kabila ng COVID-19

2022-12-12 16:14:19  CMG
Share with:

Ayon sa magkasanib na ulat ng Bain & Company at Kantar Worldpanel, sa kabila ng presyur ng resesyon ng supply chain at kabuhayan na dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), may kakayahan pa ring bumangon ang sektor ng fast-moving consumer goods (FMCG) ng Tsina.



Anito, noong unang tatlong kuwarter ng 2022, lumaki ng 3.6% ang sektor ng FMCG kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.


Inanalisa rin ng nasabing ulat ang 26 na masusing kategorya ng apat na pinakamalaking sektor ng consumer goods na kinabibilangan ng packaged food, beverages, personal care at home care.



Tinukoy pa nitong sa industriya ng tingian o retail, kasimbilis ng merkado ng FMCG ang paglago ng e-commerce.


Samantala, sumusulong din anito ang smaller offline store format at online-to-offline (O2O) commerce.


Kabilang dito, dahil maraming konsyumer ang nag-iimbak ng mga pang-araw-araw na kailangan, lumago ng 17% ang halaga ng O2O commerce noong ika-3 kuwarter kumpara noong isang taon.


Salin: Vera


Pulido: Rhio