Ngayong araw sa kasaysayan: 300 libong sundalo at mamamayang Tsino, nasawi sa paglusob ng tropang Hapones sa Nanjing; aral ng kasaysayan at kahalagahan ng kapayapaan, di-dapat kalimutan

2022-12-13 15:44:34  CMG
Share with:

Ngayong araw, Disyembre 13, 2022 ay ika-85 anibersaryo ng Nanjing Massacre.

 

Ito rin ang ika-9 na Pambansang Araw ng Paggunita sapul nang itakda ng Kataas-taasang Lehislatura ng Tsina ang Disyembre 13 bilang Pambansang Araw ng Paggunita sa mga Biktima sa Nanjing Massacre noong 2014.

 

Sa araw na ito, idinaos ang pambansang seremonya bilang pag-alaala sa mga biktima ng naturang pamamaslang.

 

Matatandaang noong Hulyo 7, 1937, lantarang inilunsad ng mga Hapones ang komprehensibong digmaan laban sa Tsina, bagay na nakapaghatid ng napakalaki at walang katulad na kapahamakan sa mga mamamayang Tsino.

 

Noong Disyembre 13, 1937, nilusob nila ang lunsod Nanjing, at dahil dito, 300 libong Tsino ang napaslang.

 

Ito ay isang malubhang krimen laban sa sangkatauhan na nag-iwan ng malalim at di-mapaghilom na sugat sa puso sa buong Nasyong Tsino.

 


Minsa’y lubos na nagtiis ang Asya sa sagupaan at digmaan.

 

Ito’y nag-iwan ng mahahalagang aral, na dapat tahakin ng Asya at buong daigdig ang landas ng mapayapang pag-unlad, at ang komprontasyon at digmaan ay magdadala lamang ng walang-hanggang pagdurusa, sa halip na kalutasan sa anumang problema.

 

Nahaharap ang kasalukuyang daigdig sa napakalaking pagbabago at pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ngayo’y pumasok na ang kabuhayang Asyano sa yugto ng pag-ahon, pagkatapos ng pandemiya.

 


Kaugnay nito, unibersal na kinakaharap ng iba’t-ibang ekonomiyang Asyano ang mga kahirapang tulad ng pagligalig ng supply chain, kakulangan ng pagkaing-butil at enerhiya, at pagtaas ng implasyon.

 

Kaya kailangang palakasin ng iba’t-ibang bansa ang pagtutulungan upang mapangalagaan ang kapayapaan at mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayang Asyano.

 

Nananatiling pangunahing tema ng Asya at buong mundo ang kapayapaan at kaunlaran.

 

Kailangang gawing salamin ng sangkatauhan ang kasaysayan, at dapat matyagan ang tangka ng anumang bansa na guluhin ang kapayapaan at katatagan ng Asya at buong daidig.

 

May-akda: Lito

Pulido: Rhio / Jade

Web Editor: Vera