Sa loob ng kasalukuyang linggo, gaganapin ang semi-finals at finals ng FIFA World Cup Qatar 2022.
Kaugnay nito, sinabi ng ilang komentaryo na sa wakas, bibigyan-pansin ng mga kanluraning media ang mga paligsahan.
Nitong nakalipas na mahigit kalahating buwan, hindi pinapansin ng mga kanluraning media ang sigasig ng Qatar sa pagtataguyod ng World Cup, at puwersa ng pagbubuklud-buklod na dulot ng putbol sa maligalig na kalagayang pandaigdig.
Sa halip, pinalalakas nila ang pagsasapulitika ng palakasan.
Bilang unang bansang Arabe na nagtaguyod ng FIFA World Cup, tinanggap ng Qatar ang walang batayang pagbatikos ng mga bansang kanluranin, at ayaw nilang dinggin ang paulit-ulit na paliwanag ng pamahalaan ng Qatar.
Ito’y isang palatadaan, na para sa mga bansang kanluranin, hindi nila matatanggap ang paglakas ng ibang nasyon.
Kung tunay na pinahahalagahan ng mga bansang kanluranin na kinabibilangan ng Amerika, ang karapatang-pantao sa mga bansang Arabe na gaya ng karapatan ng mga manggagawa, bakit walang tigil nilang inuudyukan ang digmaan sa Gitnang Silangan, at nililika ang napakalaking makataong trahedya?
Sa pamamagitan ng FIFA World Cup Qatar, nakikita ng buong mundo ang isang komunidad ng Arabe na hindi nakagapos sa pagkiling ng mga kanluraning media, at nagpapakita ng sariwa’t positibong puwersa sa kasalukuyang walang katiyakang daigdig.
Di-tanggap ng World Cup Qatar ang mga di-umano’y “kanluraning tagapagtanggol ng karapatang pantao.”
Salin: Vera
Pulido: Rhio