Sa preskon ng Ikalawang Yugto ng Ika-15 Conference of the Parties (COP15) to the United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD), sinabi Disyembre 13, 2022, ni Huang Runqiu, Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina at presidente ng naturang pulong, na kailangang ipakita ng lahat ng panig ang mas malaking lakas-loob, karunungan, at determinasyon, para pawiin ang mga puwang at pagkakaiba tungo sa pagkakaroon ng pinal na bunga ng pulong na ito.
Tinukoy niyang, sa pamamagitan ng malawak na pagsisikap ng lahat ng kalahok, natamo ng COP15 ang mga positibong progreso, at kabilang sa mga ito ay pagpasa sa 23 desisyon, na katumbas ng mahigit sangkatlo ng lahat ng mga desisyong kailangang gawin sa kasalukuyang pulong.
Sa ilang pangunahing aspekto, isinagawa rin ng mga kalahok ang malalimang pagpapalitan ng kani-kanilang mga posisyon at pananaw, dagdag ni Huang.
Ang Ikalawang Yugto ng COP15 na sinimulan noong isang linggo ay pumasok na sa mahalagang panahon, at isang linggo na lamang ang natitira, para talakayin ang dokumento ng mga bunga hinggil sa pagpigil sa pagkawala sa biodibersidad ng daigdig.
Kaugnay nito, nakatakdang idaos mula Disyembre 15 hanggang 17 ang isang pulong ministeryal, para sa negosyasyon ng mga mahirap na isyung may kinalaman sa nabanggit na dokumento.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan