Argentina, kampeon sa FIFA World Cup 2022 Qatar

2022-12-19 16:15:47  CMG
Share with:

 

Nakamit, Disyembre 19 (local time), 2022 ng Argentina ang kampeonato ng FIFA World Cup 2022 Qatar, matapos nitong talunin ang Pransya sa iskor na 4-2 sa penalty shoot-out, sa Lusail Stadium.

 

Sa unang bahagi ng laro, pumuntos ng 2 ang Argentina sa pamamagitan ng kanilang star player na si Lionel Messi.

 

Ngunit hindi bumitiw ang koponang Pranses, at nakapuntos din ng 2 goal si Kylian Mbappe sa loob ng 2 minuto.

 

Matapos ang overtime, tabla sa iskor na 3-3 ang dalawang koponan.

 

Ipinasiya ng referee na isagawa ang penalty shoot-out kung saan natalo ng Argentina ang Pransya sa iskor na 4-2.


Editor: Lito
Pulido: Rhio Zablan