Kabuhayang Tsino, inaasahang aahon sa 2023 - tagapag-analisa

2022-12-19 16:11:34  CMG
Share with:

Kasabay ng pag-optimisa ng Tsina sa pagkontrol at pagpigil sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nananalig ang mga tagapag-analisa na aahon ang kabuhayang Tsino sa susunod na taon at patuloy na maghahatid ng mahalagang puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig.

 

Sa isang panayam sa China Media Group (CMG), sinabi ni Lawrence Loh, Direktor ng Center for Governance and Sustainability ng National University of Singapore Business School, na sa kabila ng macroeconomic headwinds sa buong daigdig at epekto ng pandemiya, kapuri-puri ang ipinakikita ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon.

 

Kaugnay ng taunang Central Economic Work Conference na idinaos kamakailan sa Beijing, sinabi ni Loh na naitakda sa pulong ang direksyon ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa susunod na taon at hinaharap.

 

Iniharap sa pulong ang mga kongkretong isyung gaya ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob ng bansa at pagpapahalaga ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, aniya pa.


Editor: Lito