Panukalang kasunduan ng UN sa biodibersidad, nanawagan para sa pagdaragdag ng tulong sa mga umuunlad na bansa

2022-12-19 16:35:38  CMG
Share with:


Hiniling sa mga maunlad na bansa, Disyembre 18, 2022 ng panukalang kasunduan sa biodibersidad ng United Nations (UN) na dagdagan ang badyet ng mga umuunlad na bansa upang isulong ang pangangalaga sa biodibersidad.

 

Anito, simula 2025, kailangang madagdagan ng kahit USD$20 bilyon kada taon ang pondo ng mga umuunlad na bansa, at simula 2030, kailangang umabot ito ng kahit USD$30 bilyon kada taon.

 

Ang tulong ay ihahatid sa mga bansang kulang sa pag-unlad, maliliit na islang umuunlad na bansa, at mga bansang nasa yugto ng transisyong pang-ekonomiya.

 

Ang nasabing panukala ay isinulong ng Tsina, na siya ring kasalukuyang tagapangulo ng Ika-15 Conference of the Parties (COP15) to the United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD).

 

Kabilang dito ang 23 action-oriented na target na nangangailangan ng agarang aksyon sa kasalukuyang dekada hanggang 2030.

 

Nakatakdang magtapos ngayong araw ang COP15, at inaasahang mararating ang post-2020 global biodiversity framework.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio